![]() |
Welcome to Bangag.com, the only Pinoy forum that focuses on Filipino music, Pinoy songs, Pinoy lyrics, Filipino culture, and so much more!Bangag.com is your online portal for anything and everything about Filipino music and Filipino culture. It features honest-to-the-last-drop-no-strings-attached information on Filipino music provided by the members of the Bangag community. You can content yourself with browsing the Pinoy album reviews, the gig skeds, the gig guides, the artist bios, the artist discographies, and the random commentaries, but then again, that’s just like making do with the intro of an otherwise mind-blowing song.So sign up now, let’s tambay, and be officially BANGAG! |
|
|||||||
| Register | Blogs | VB Image Host | Members List | Award | Radio Stations | P3tz | Arcade | Casino | Search | Mark Forums Read | Mark Forums Read |
| OPM Album Reviews Read the members' personal views on albums before buying. Or share your own thoughts on albums you already have. |
Last 10 posts
|
![]() |
|
|
LinkBack | Thread Tools | Display Modes |
|
|
#1 (permalink) |
|
Baguhang Miyembro
|
Giniling Festival's self-titled debut album is the SHIT... as in SHIT talaga! Cover pa lang may bahid na ng tae. ganyan ka lakas mantrip itong sina Anto Garcellano, Dye Dye Santos, Jebs Mangahas, Lec Cruz, Monpi Lopez (collectively known as..duh..Giniling Festival). Kung ano ang tinira ng mga ulupong na 'to, hindi ko alam, pero ito na siguro ang pinakamakulit na bandang napakinggan ko since Parokya ni Edgar at Kamikazee kung kaya't agad ko silang nagustuhan.
Sa dami ng mga bandang puro papogi lang ang inaatupag, nakakatuwa na mayroon pa ring ganitong mga pangulit na bandang lumalabas na nagbibigay saya at kulay sa ating Original Pinoy Music scene. Isa na nga rito ang bagong bandang Giniling Festival na tila sinalo na ang lahat ng kakulitan nung nagpaulan ang Diyos. Ang matinding kakulitan na ito ang siya mong agad na makukuha sa unang pakinig pa lang sa album nila. Heto ang mga masasabi ko sa mga kanta nilang tumatak sa akin: PSYCHO - Ito ang kanilang trubite sa 80's live japanese action heroes na "Bioman". Gamit ang opening theme ng palabas na ito, nilabas ng bandang ito ang kanilang angst at pagmamahal sa isang babaeng malakas ang tama sa ulo. Nakakaaliw 'to pakinggan kasi kuhang-kuha nila yung tamang tirada nung mismong opening theme ng Bioman at ginawa pang punk. HOLDAP (THE CARLOS ANTONIO GARCELLANO STORY) - Pag binasa mo title nito, gets mo na agad na parody siya ng mga 80's action film. Pero nakakatawa yung paggamit nila nung cancan na theme (yung typical na tugtog na sinasayaw ng mga showgirls sa Las Vegas) sa kantang ito. TSONG (BOYPREN MO POKPOK) - Eto, medyo heavy ang tugtugan nila dito at tinitira nila yung mga kalalakihang nagtatrabaho sa welcome rotonda. HARI NG METAL -Ito naman ang parody nila sa mga hardcore metal people: "Ang hari ng metal hindi naglalaba. Ang hari ng metal hindi nagwawalis. Ang hari ng metal hindi gumagamit ng plato. Ang hari ng metal walang kasing sama." SIRANG PLAKA - Isa sa pinaka nakaka-LSS nilang kanta at ito'y dahil lamang sa isang dahilan na siyang binabanggit sa mismong lyrics: "umuulit lang ang kantang 'to". LETTER TO ANGELINA JOLIE - Halos gumulong ako sa kakatawa nung napakinggan ko itong kantang ito! Senti-sentihan kasi yung tema ng tugtugan nila dito tapos biglang makakarinig ka ng ganito: "Payag ka girlfriend mo si Angelina Jolie pero ulo mo monggo. Payag ka girlfriend mo si Angelina Jolie pero tae mo bato. Payag ka girlfriend mo si Angelina Jolie pero wiwi mo may blade. Payag ka girlfriend mo si Angelina Jolie pero balat mo maong." DODO - Lubhang napaka-socially relevant itong kantang ito dahil isa itong malalim na pagsusuri sa talamak na retokehang nagaganap sa bansang ito, partikular na ang talamak na pagpapadagdag ng suso ng mga kababaihan. Kung kayo yung tipong sawang sawa na sa kakapakinig ng mga pogi rock bands at sa ibang bandang ubod ng seryoso puwes, swak na swak para sa inyo itong bandang ito. Tulad nga ng nasabi ko, maari niyo silang isama sa hanay ng mga pangulit na bandang tulad ng Parokya ni Edgar at ng Kamikazee pero may sarili rin silang uri ng kakulitan na paniguradong kahihiligan niyong mapakinggan ng paulit-ulit. Ito pa yung ibang kanta sa debut album nila: Mcjolly Siling Giniling Barbero Bano Mabuhay Lahat ng Single AYOS! ![]() |
|
|
|
| Advertisements | |
|
|
|
|
|
#10 (permalink) | |
|
Sobrang Bangag
|
Quote:
![]() |
|
|
||
|
|
|
|
|
#16 (permalink) |
|
hangkorny!
|
mga adik tlga yan, hahahahah!!! lalo n pg live.. npnood nu n rn b ung video launch ng siling giniling? haha, ang kulit tlga.. check nu s multiply--> Multiply pkiboto n rn s myx, hehe!
![]() tska gus2 ko sknla ung pggamit p nla ng credits s isang knta nla(mabuhay lht ng single)... astigg! UP Underground Music Community! suportahan ntn lht ng indie bands!!! |
|
|
|
|
|
#18 (permalink) |
|
magic and mystery
|
sa record bars, baka may onti pang kopya. o kaya punta kayong gig nila, minsan nagbebenta. binili ko ang kopya ko sa album launch. sali kayong giniling_festival@yahoogroups.com para masaya. tsaka nagpopost ng gigs dito.o kaya check out ginilingfestival.multiply.com para mas masaya!
p.s. may gig sa monday, nov 12 sa sarah's sa may KNL sa UP. 8pm kitakits. Last edited by lazydaisy : November 11th, 2007 at 10:11 PM. |
|
what good is a heart if it can’t take pain for and from the people it beats for?
|
|
|
|
|