View Single Post
Old August 31st, 2007, 05:19 PM   #1 (permalink)
Popoy
Baguhang Miyembro
 
Popoy's Avatar
 

Join Date: May 2007
Posts: 30

My Photos: ()
Credits: 243
Talking Giniling Festival - Giniling Festival

Giniling Festival's self-titled debut album is the SHIT... as in SHIT talaga! Cover pa lang may bahid na ng tae. ganyan ka lakas mantrip itong sina Anto Garcellano, Dye Dye Santos, Jebs Mangahas, Lec Cruz, Monpi Lopez (collectively known as..duh..Giniling Festival). Kung ano ang tinira ng mga ulupong na 'to, hindi ko alam, pero ito na siguro ang pinakamakulit na bandang napakinggan ko since Parokya ni Edgar at Kamikazee kung kaya't agad ko silang nagustuhan.

Sa dami ng mga bandang puro papogi lang ang inaatupag, nakakatuwa na mayroon pa ring ganitong mga pangulit na bandang lumalabas na nagbibigay saya at kulay sa ating Original Pinoy Music scene. Isa na nga rito ang bagong bandang Giniling Festival na tila sinalo na ang lahat ng kakulitan nung nagpaulan ang Diyos. Ang matinding kakulitan na ito ang siya mong agad na makukuha sa unang pakinig pa lang sa album nila. Heto ang mga masasabi ko sa mga kanta nilang tumatak sa akin:

PSYCHO
- Ito ang kanilang trubite sa 80's live japanese action heroes na "Bioman". Gamit ang opening theme ng palabas na ito, nilabas ng bandang ito ang kanilang angst at pagmamahal sa isang babaeng malakas ang tama sa ulo. Nakakaaliw 'to pakinggan kasi kuhang-kuha nila yung tamang tirada nung mismong opening theme ng Bioman at ginawa pang punk.

HOLDAP (THE CARLOS ANTONIO GARCELLANO STORY)
- Pag binasa mo title nito, gets mo na agad na parody siya ng mga 80's action film. Pero nakakatawa yung paggamit nila nung cancan na theme (yung typical na tugtog na sinasayaw ng mga showgirls sa Las Vegas) sa kantang ito.

TSONG (BOYPREN MO POKPOK)
- Eto, medyo heavy ang tugtugan nila dito at tinitira nila yung mga kalalakihang nagtatrabaho sa welcome rotonda.

HARI NG METAL
-Ito naman ang parody nila sa mga hardcore metal people:

"Ang hari ng metal hindi naglalaba.
Ang hari ng metal hindi nagwawalis.
Ang hari ng metal hindi gumagamit ng plato.

Ang hari ng metal walang kasing sama."

SIRANG PLAKA
- Isa sa pinaka nakaka-LSS nilang kanta at ito'y dahil lamang sa isang dahilan na siyang binabanggit sa mismong lyrics: "umuulit lang ang kantang 'to".

LETTER TO ANGELINA JOLIE
- Halos gumulong ako sa kakatawa nung napakinggan ko itong kantang ito! Senti-sentihan kasi yung tema ng tugtugan nila dito tapos biglang makakarinig ka ng ganito:

"Payag ka girlfriend mo si Angelina Jolie pero ulo mo monggo.
Payag ka girlfriend mo si Angelina Jolie pero tae mo bato.
Payag ka girlfriend mo si Angelina Jolie pero wiwi mo may blade.
Payag ka girlfriend mo si Angelina Jolie pero balat mo maong."

DODO
- Lubhang napaka-socially relevant itong kantang ito dahil isa itong malalim na pagsusuri sa talamak na retokehang nagaganap sa bansang ito, partikular na ang talamak na pagpapadagdag ng suso ng mga kababaihan.

Kung kayo yung tipong sawang sawa na sa kakapakinig ng mga pogi rock bands at sa ibang bandang ubod ng seryoso puwes, swak na swak para sa inyo itong bandang ito. Tulad nga ng nasabi ko, maari niyo silang isama sa hanay ng mga pangulit na bandang tulad ng Parokya ni Edgar at ng Kamikazee pero may sarili rin silang uri ng kakulitan na paniguradong kahihiligan niyong mapakinggan ng paulit-ulit.

Ito pa yung ibang kanta sa debut album nila:

Mcjolly
Siling Giniling
Barbero
Bano
Mabuhay Lahat ng Single


AYOS!
Popoy is offline   Reply With Quote
Advertisements